Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagbilao MSWDO, patuloy ang pamamahagi ng tulong mula sa SAP

By Ruel Orinday May 1, 2020 Pinangunahan ng MSWDO Pagbilao ang pamamahagi ng cash aid na P6,500 sa mga benipisyaryo ng Social Ameliorat...

By Ruel Orinday
May 1, 2020



Pinangunahan ng MSWDO Pagbilao ang pamamahagi ng cash aid na P6,500 sa mga benipisyaryo ng Social Amelioration Program ng DSWD sa barangay Anato Pagbilao, Quezon noong Abril 23. (Larawan mula kay Pagbilao MSWDO Emmie Madla)

PAGBILAO, Quezon, Abril 30 (PIA)- Patuloy sa pamamahagi ang Municipal Social Welafare and Development Office (MSWDO) sa mga barangay sa bayang ito ng cash aid sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Emmie Madla, umabot na sa 7,907 na mga benipisyaryo ng programa ang kanilang nabigyan na ng P6,500.00 (per household) na mahigit sa kalahati ng kabuoang target beneficiaries 14,490.

Ang 7,907 na benipisyaryo na nabigyan ng ayuda ay mula sa mga barangay ng Anato, Bigo, Tukalan, Ilayang Palsabagon at Ibabang Palsabagon, Ilayang Bagumbungan at Ibabang Bagumbungan, Castillo, Ilayang Polo, Silangang Malicboy, Talipan, Sta. Catalina, Tambak, Parang, kanlurang Malicboy, Daungan, Bukal, del Carmen, Binahaan, Ibabang Polo, Alupaye, Mapagong at Ikirin.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sinabi pa ni Madla na magpapatuloy pa ang kanilang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng SAP hanggang sa mga susunod na araw upang mabigyan din ang natitira pang 6,583 na mga benipisyaryo ng programa sa bayan ng Pagbilao.

Ang kabuoang halaga ng SAP para sa mga benepisyaryo ng programa sa bayang ito ay P94M, ayon pa kay Madla

"Ang mga binigyan po natin ng ayuda ay dumaan sa masusing balidasyon kung saan ang mga benipisyaryo ay yaong talagang mga walang permanenteng trabaho, nawalan ng hanapbuhay kagaya ng mga tricycle at jeepney driver dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine bunsod ng banta ng COVID-19 at iba pa na kabilang din sa mahihirap na pamilya," sabi pa ni Madla. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon