Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Inihatid ng pamahalaang panlalawigan ang mga tulong sa mga mamamayan at frontliners sa ika-3 distrito

By Quezon - PIO May 1, 2020 MULANAY, Quezon - Unang inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga tulong sa ating mga kababayan at mga...

By Quezon - PIO
May 1, 2020





MULANAY, Quezon - Unang inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga tulong sa ating mga kababayan at mga frontliners sa ikatlong distrito ng Probinsya ng Quezon nitong nakalipas na mga araw dahil sa patuloy na nararanasang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa banta ng COVID-19.

Kung saan sa pamamagitan ni 3rd District Congw. Aleta Suarez ay naipagkaloob ang relief food packs, health coupon, Personal Protective Equipment (PPEs), Alcohol, health coupon at mga binhing pananim sa mga bayan ng Mulanay, San Andres at Buenavista na personal namang tinanggap ng mga Alkalde ng mga nabannggit na lugar.

Habang kasabay nito ay ipinamahagi ni Senior Board Member Jet Suarez at BM Rey Arrogancia ang mga PPEs, medical supplies, Relief Food Packs, Health Coupon, Binhing Pananim sa mga residente ng Catanauan, San Narciso at San Francisco at maging isang ambulansya para sa bayan ng Catanauan na buong puso namang tinanggap ng mga Barangay Captain at Municipal Mayor ng naturang mga bayan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Gayon din ng kasunod namang sinuyod ay ang mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Gen. Luna, Pitogo, Unisan at Macalelon sa pamamagitan ni KALIPI President Atty. Joanna Suarez ay naihatid ang ayuda ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga frontliners at mamamayan ng mga bayang nabanggit.

Ipinagkaloob sa mga ito ang mga relief food packs, health coupon, PPEs, medical supplies at butong pananim para sa mga residente ng mga barangay.

Samantala, napagkalooban naman ang mga frontliners ng sako ng bigas at grocery items kasabay ng pagbisita sa ilang mga pagamutan sa ikatlong distrito bilang pagpupugay at pagkilala sa mga Medical Health Workers at iba pang frontliners.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez sa mga sinasagawang hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Quezonian sa ating Lalawigan dahil sa patuloy na umiiral na ECQ dahil sa banta ng COVID-19.

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon