Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Laguna Molecular Laboratory, inaasahang mapapabilis ang resulta ng COVID-19 testing ng mga Lagunense

By Carlo P. Gonzaga May 7, 2020 Nasa 70 porysento patapos na ang Laguna Molecular Laboratory sa San Pablo City District Hospital na ...

By Carlo P. Gonzaga
May 7, 2020


Nasa 70 porysento patapos na ang Laguna
Molecular Laboratory sa San Pablo City
District Hospital na masisilbing COVID-19
 testing center sa lalawigan ng Laguna.
(Larawan mula sa Gov. Ramil
Hernandez FG Page)
LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna - Inaasahang mapapabilis ang resulta ng coronavirus disease (COVID)-19 testing sa Laguna kapag natapos na at maging operasyonal ang binubuong Laguna Molecular Laboratory (LML) sa San Pablo City District Hospital (SPCDH).

"Aasahan sa pagbubukas nito ay mapapabilis na ang paglabas ng resulta ng COVID-19 testing na aabot lamang ng dalawa hanggang tatlong araw. Hindi na kailangan pa ilabas sa Laguna ang pagsusuri ng estado ang bawat Lagunense," wika ni Laguna Gov. Ramil Hernandez sa kanyang opisyal na FB Page.

Sinabi pa ng Gobernador na inaasahang mabibigyan ng pagkilala ang Laguna Molecular Laboratory ng Department of Health (DOH), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at World Health Organization (WHO) sa darating na Mayo 15.

Ayon naman kay Dr. Edgar M. Palacol, Hepe ng SPCDH, halos 70 porsyento patapos na ang pasilidad na matatagpuan sa ikalawang palapag ng pangunahing gusali ng SPCDH.

Mahigit sa 70 metro kwadrado ang sukat at maglalaman ng “specialized equipment” tulad ng Nuclei Acid Extraction machine, PCR machine, Biosafety Cabinet, Laminar Flow Hood, Microcentrifuges, Autoclaves, Cold Storage/Ultra low freezers at Pass Boxes.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Maglalagay ng hindi bababa sa anim (6) na Medical Technologists/Medical Laboratory Scientists na siyang magsasagawa ng testing na pamumunuan ni Dr. Imelda M.F. Flores-Palacol bilang Head of Laboratory.

"Naglaan tayo ng pondo dito para masuri ang mga pasyente ukol sa SAR-CoV-2 na nagdudulot na COVID-19 at tayo din ang bibili ng mga testing kits natin," sabi ni Gov. Ramil Hernandez.

Samantala, masaya ring ibinalita ni Gov. Ramil Hernandez na sa bawat araw na nakapagtatala ng COVID-19 cases sa lalawigan, mayroon din namang magandang balita na nakukuha mula sa COVID-19 recoveries.

"Sa kasalukuyan ay nakapagtala na tayo ng 93 recoveries. Hangad natin na madagdagan pa ang bilang ng mga gumaling, kasabay nang tuluyan nang pagiging COVID-Free ng ating lalawigan," pahayag ni Gov. Ramil Hernandez sa kanyang post noong Mayo 4.

Dagdag pa ng Gobernador, "Patuloy din ang pagsuporta at pagbibigay pugay natin sa lahat ng frontliners na hindi tumitigil sa pagsasakripisyo at pagbibigay ng serbisyong tama sa lalawigan."

"Patuloy tayong mag-dasal at labanan ang COVID-19!" pagtatapos ni Gov. Hernandez. (Carlo P. Gonzaga, PIA-4A at ulat mula sa Gov. Ramil Hernandez FB Page)

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon