Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit 3,000 pamilya nakinabang sa 'Adopt- A- Family Program' ng BPPO

By Mamerta De Castro May 8, 2020 Tinaguriang "Kapwa Ko, Sagot Ko," umabot sa 3,128 ang bilang ng mahihirap na pamilya na nak...

By Mamerta De Castro
May 8, 2020




Tinaguriang "Kapwa Ko, Sagot Ko," umabot sa 3,128 ang bilang ng mahihirap na pamilya na nakinabang sa sa "Adopt-A-Family Program" ng Batangas Police Provincial Office. (Photo from BPPO/Caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)




LUNGSOD NG BATANGA - Mahigit sa 3,000 mahihirap na pamilyang Batangueno ang nakinabang sa “Adopt-A-Family Program” ng Batangas Police Provincial Office (BPPO).

Ang naturang programa na tinaguriang “Kapwa Ko, Sagot Ko” ay layong maipakita na sa kabila ng pagkakaroon ng otoridad sa pagpapatupad ng batas, naroon ang kakayahan ng bawat kapulisan na tumulong sa mga nangangailangan.

Sinabi ni Hazel Luma-ang Suarez, Public Information Officer ng BPPO na bawat isang pulis ay binigyan ng pagkakataon na makatulong sa mga pamilyang nais nilang bigyan ng tulong sa panahon na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Bawat isang pulis ay binibigyan ng pagkakataon na makatulong sa sinumang pamilya na maituturing na 'poorest of the poor' at walang kakayahan na makabili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, gatas at iba pa," ani Suarez

Ito rin ay pagpapakita na sa kabila ng pagganap sa kanilang tungkulin, patuloy din ang kanilang pakikipagkapwa-tao, ayon pa sa kanya.

"Isang pamamaraan din ito upang ibalik at patatagin ang tiwala ng mga tao sa kapulisan na ang mga ito ay maaaring maasahan hindi lamang sa pagseguro sa kaligtasan kundi maging sa panahon ng kagipitan. Ang tulong na ibibigay ng bawat isang pulis ay mula sa kanilang sariling bulsa,” pagtatapos ni Suarez.

Sa tala ng BPPO-Police Community Relations, may 3,128 na mahihirap na pamilya ang nakinabang sa naturang programa hanggang ngayong araw at inaasahang tataas pa ito dahil patuloy ang pagtulong na ginagawa ng lahat ng kapulisan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

Powered by Google



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.