Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga gurong Tayabasin nakibayani sa pamimigay ng ayuda

By Khaye Brizuela May 2, 2020 Pinangunahan ni Larvin Labrada ng Eugenio Francia Elementary School (EFES) ang pamamahagi ng ayuda sa Brgy...

By Khaye Brizuela
May 2, 2020


Pinangunahan ni Larvin Labrada ng Eugenio Francia Elementary School (EFES) ang pamamahagi ng ayuda sa Brgy. Bucal Tayabas City.



TAYABAS CITY, Quezon - Tatlong gurong Tayabasin ang nagpamalas ng pagmamalasakit sa kabila ng krisis. Sa magkakaibang proyekto, pinagunahan nina Reymark Villapeña ng West Palale National HighSchool, Jerico Nañez ng Tayabas West Central School 1 at Larvin Labrada ng Eugenio Francia Elementary School ang paglikom at pamamahagi ng ayuda para sa komunidad.

Umabot sa 80 pamilya ang naging benepisyaryo ng ayuda na nagkakahalagang P10,500 ang naipamahagi ni Sir Reymart Villapeña mula sa buwan ng Marso hanggang Abril. Katuwang ang ilang partners upang makatulong sa kanyang mga kabaranggay.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Samantalang ang #Bayanihan ni Sir Jerico Nañez ang nakapagbigay ayuda sa mga PWDS at pamilya samantalang pagkain ang naipamahagi sa mga frontliners sa 10 baranggay ng Lungsod ng Tayabas sa apat na magkakahiwalay na batches sa buwan ng Abril. Ang pondo ay nalikom mula sa tip at donasyon sa kanyang mag suki at kaibigan.

70 benipisyaryo naman ang tumanggap ng tulong mula sa Proyektong BUKAL Pusong Pagtalima sa Panahon ng Pandemic (B4P's) ni Sir Larvin Labrada noong Ika -27 ng Abril sa Brgy. Bucal Tayabas City. Hindi lamang relief goods ang laman ng kanilang ayuda, may kasama din itong mga babasahin para sa mag-aaral ng primaryang baitang.

Naniniwala ang ating mga guro sa responsibilidad ng bawat mamayan ang makibahagi upang tumulong sa komunidad sa panahon ng bayanihan.



Namahagi ng merienda sa frontliners si Jericho Nañez ng Tayabas West Central School I.



Ilan sa mga ayuda na naipamahagi ni Remart Villapena ng West Palale National Higjschool ang makikita sa larawan.

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon