Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Panawagan ng Quezon for the Environment o QUEEN na huwag ng dadagan pa ng bagong coal fired power plant ang Lalawigan ng Quezon

May 1, 2020 Kaugnay ng pagdiriwang ng EARTH DAY ngayong Abril 22, 2020 ang Quezon Environmental Network o QUEEN ay nagpahayag ng PANAWAG...

May 1, 2020

No photo description available.

Kaugnay ng pagdiriwang ng EARTH DAY ngayong Abril 22, 2020 ang Quezon Environmental Network o QUEEN ay nagpahayag ng PANAWAGAN NA HUWAG NG DADAGAN PA NG BAGONG COAL FIRED POWER PLANT ANG LALAWIGAN NG QUEZON.

Sapagkat, napapanahong pangalagaan na natin ng lubos ang sangnilikha bilang tahanan nating Lahat. Sa kadahilanang sa harap ng krisis ng nagbabagong Klima. Ang patuloy na pagdumi ng hangin dahil sa labis na pag gamit natin ng fossil fuels at o coal nasasadlak tayo sa kapahamakan, dahil ayon sa BBC.COM at World Health Organization ang mataas na antas ng polusyon sa hangin ay nakakapagpataas ng panganib na mamamatay ang isang taon mula sa COVID 19.

Sapagkat, ayon sa pananaliksik ng Harvard ang Covid-19 death rates sa US ay mataas lalo na sa mga lugar may high concentration ng fine particulate matter (PM2.5) dahilan sa presensya ng labis na pag gamit ng fossil fuels at coal.

Sapagkat, dahil naranasan na nating lahat ang bangis ng ganti ng kalikasan sa pamamagiran ng COVID 19 napapanahon ng dapat na magkaron ng kongkretong hakbangin at tugon ang lahat dahil hindi lang buhay ng mga sususnod na henerasyon ang nakataya dito, kundi mismong buhay natin bilang sambayanan

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sapagkat, hindi namin maaring ipagpalit sa panandaliang benipisyo (short term gains) ang pangmatagalang masamang epekto (long-term negative consequence) ng mga nasabing planta sa kalusugan ng mamamayan at pagkasira ng kalikasan. Sa Pag-aaral ng mga Physician for Social Responsibility (2009) lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng tao ang coal sa bawat “Stage ng Coal Life Cycle”. Hindi rin mabilang ang mapanirang epekto nito sa kalikasan mula sa pagmimina, pagtratransport at pagpoproseso hangang sa pagsusunog at disposal nito.

Bilang tugon, ipinahahayag namin ang nagkakaisang pagtutol sa panukalang power plant sa Brgy. Laurel, Tagkawayan Quezon at sa Pagbilao Grande, Pagbilao, Quezon at ang kasalukuyang ginagawang coal plant sa Atimonan, Quezon.

Kaya KAMI, ang nagkakaisang sambayanan na nakapaloob sa Quezon for Environment o QUEEN dito sa lalawigan ng Quezon ay lumagda ngayong Abril 22, 2020 sa panawagang ito upang maiparating sa lahat ng kinauukulan ang PANAWAGAN NA HUWAG NG DADAGAN PA NG BAGONG COAL FIRED POWER PLANT ANG LALAWIGAN NG QUEZON.

Powered by Google



No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon