Flash News
Mail Instagram YouTube YouTube
CALABARZON

Mga limot na bayani na sa karagatan matatagpuan

By Jay Silva
Kasama ng Kalikasan
May 3, 2020


Sa panahon ngayon ng Pandemyang COVID 19 sa labang ito ay mga Doctors, Nurses at iba pang mga frontliners ang ating maituturing na bayani.

Pero alam nyo ba? Na noon pa man hanggang ngayon sa pag-inog ng mundo ay may mga nilalang na na frontliners din sa pag sugpo ng ibat-ibang virus kung saan ito’y matatagpuan sa karagatan. At sa buong virosphere batay sa pagaaral ng mga scientist ay kanilang ipinapagpalagay na trillions ng mga species o kaurian ng virus ang maaring nabubuhay.

Ayon sa pagaaral na pinangunahan ng isang marine ecologist na si Jennifer Welsh mula sa the Royal Netherlands Institute for Sea Research (NIOZ). Sa karagatan pa lamang ay milyon-milyon ng ibat-ibang uri ng virus ang nabubuhay. Natuklasan ng nasabing pag-aasal na sa kada millilitre ng tubig dagat ay Sampung milyong viruses ang nabubuhay. At kung walang mga nilalang na kumakain o lumilinis nito maaring magdulot ito ng panganib sa tao at sa Kalikasan. Ang napakahalagang serbisyong ito ng mga nilalang sa karagatan ang sa ngayon ay hindi napapahalagahang papel dahil wala tayong sapat na kaalaman sa kanilang ginagawang kabayanihan sa atin at sa Kalikasan.

Ang mga crabs, cockleso shells, oysters, at sponges batay sa pagaaral nila Welsh ang mga nilalang sa dagat na epektibong nagaalis ng mga virus. Kung saan ang sponges ang nangungunang epektibong tagaalis ng virus ayon sa paliwanang ni Welsh kung saan 94 porsyentong nalilinis nito ang virus sa loob lamang ng 3 oras. Pumapangalawang epektibo ang crabs o alimasag na 90 porsyento nitong naaalis ang virus sa loob lamang ng 24 oras habang ang mga shells, talaba at iba pang uri ng nilalang sa karagatan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Bagamat napakaganda ng resulta ng pagaaral nila Welsh. Sa kasalukuyan ay labis na nakakalungkot na patuloy tayong mga tao na walang pagpapahalaga at sinisira ang atin mismong karagatan na kung saan patuloy nating tinatangkilik ang mga teknolohiya at pamamaraan na mapamuksa sa Kalikasan tulad ng patuloy na pagmina at pag gamit ng fossil fuels at coal upang magpatuloy ang kaunlaran…kahit pa nga ito’y nakakasira sa Kalikasan.

Nakakalungkot mang isipin na hanggat hindi natin nakikilala ng lubos at igagalang ang papel ng bawat nilalang dito sa mundo, maaring patuloy tayong maging bulag sa katotohanan, na may sariling daloy at sistema ang Kalikasan na noon pa man…wala pa tayo ay nandyan na para sa kaayusan.

Ang mga buhay-ilang at samut-saring buhay na walang interes sa kapangyarihan at pulitika na kadalasan ay biktima ng karahasan at kawalan ng pagpapahalaga ng tao ay silang mga limot na bayani na natagpuan na ng tao pero di naman ito lubusang pinahahalagahan at kinikilala.

Para sa iba pang impormasyon ay maari po nating hanapin sa googgle at basahin ang link na ito:

https://www.sciencealert.com/marine-creatures-protect-us-from-viruses-in-the-ocean-by-eating-them-study-suggests?fbclid=IwAR0blS4joMVlUbkLi-41r4ol8zyxoScJvwGEkIuNXEdOWvWTU_DV-GlXh1c

Powered by Google



0 comments:

Post a Comment



–>