“Ang tanggapan po ng punong lungsod ay nakahanda at nakasuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng Lucena City PNP labans sa ipinagbab...
“Ang tanggapan po ng punong lungsod ay nakahanda at nakasuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng Lucena City PNP labans sa ipinagbabawal na droga.”
Ito ang ipinahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala hinggil sa kaniyang pagsuporta sa paglulunsad ng Project USAD ng Lucena City Police kamakailan.
Bagamat bago pa lamang inilulunsad ang Project USAD ng Lucena City PNP sa lungsod, ay marami na aniyang inilunsad na proyekto at programa ang nasabing tanggapan hinggil sa ipinagbabawal na droga sa Lucena.
Isa na nga rito ay ang paglulunsad ng kauna-unahang basketball tournament para sa mga drug surrenderees na kung saan ay nilahukan ito ng lahat ng mga barangay sa lungsod.
Ayon pa kay Mayor Alcala, sa parte naman ng pamahalaang panlungsod, ay ginawa nang de-centralized ang health services sa City Health upang matulungan ang mga drug surrenderees.
Dagdag pa ng alkalde, ito ay upang ma-monitor na rin ang kalusugan ng mga sumukong drug pushers at drug users.
Dagdag pa ng alkalde, ito ay upang ma-monitor na rin ang kalusugan ng mga sumukong drug pushers at drug users.
Kamakailan ay nagreport na rin ang Coordinator ng Lucena Manpower Skills Training Center o LMSTC na si Criselda David sa tanggapan ng punong lungsod upang sabihin na nakahanda na ang kanilang tanggapan upang tumanggap ng mga drug surrenderees at turuan ang mga ito.
Nanawagan rin si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan at sa mga barangay chairman at kagawad sa buong lungsod na magsama-sama na labanan ang illegal na droga upang tuluyan nang masawata ito.
Ayon pa rin kay Mayor Alcala, kapag aniya ay bumaba na ang antas nito ay tiyak na bababa rin ang antas ng bilang ng kriminalidad sa Lucena at mas magkakaroon ng proteksyon ang mga kabataang Lucenahin.
Ang pagsuportang ito ni Mayor Dondon Alcala sa mga programa at proyekto ng Lucena City PNP ay isang paraan niya upang ipakita ang mahigpit na pagnanais na tuluyan ng masawata o mawala ang ipinagbabawal na droga sa lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments