Matagumpay na inilunsad ng Lucena City PNP sa pangunguna ni OIC Lucena City Police Chief PSupt. Dennis De Leon ang Project USAD kamakailan....
Matagumpay na inilunsad ng Lucena City PNP sa pangunguna ni OIC Lucena City Police Chief PSupt. Dennis De Leon ang Project USAD kamakailan.
Ginanap ang naturang aktibidad sa harapan ng himpilan ng pulisya ng lungsod na kung saan ay dinaluhan ito nina Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Vice Mayor Philip Castillo, Councilor Jacinto “Boy” Jaca at Councilor Vic Paulo.
Present rin sa nabanggit na aktibidad ang mga tauhan mula sa City DILG, CADAC, LMSTC, PESO, mga religious sector, mga ahensya mula sa nasyunal at mula rin sa business sector.
Maging ang lahat ng mga kapitan ng barangay sa lungsod at dumalo rin dito at ang kanilang mga kagawad, mga barangay tanod at lalo’t higit ang mga drug surenderees mula sa kani-kanilang barangay.
Maging ang lahat ng mga kapitan ng barangay sa lungsod at dumalo rin dito at ang kanilang mga kagawad, mga barangay tanod at lalo’t higit ang mga drug surenderees mula sa kani-kanilang barangay.
Sa naging pananalita ng hepe ng kapulisan ng Lucena na si Col. De Leon, pinasalamatan nito ang lahat ng mga taong dumalo sa aktibidad nilang ito.
Samantala, sa naging pahayag naman ni Mayor Dondon Alcala, inilahad nito ang kaniyang buong pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng Lucena PNP lalo’t higit sa pagsugpo ng illegal na droga sa Lucena.
Bukod kay Mayor Alcala, nagpahayag rin ng kani-kanilang suporta ang mga nasabing opisyal hinggil sa project USAD ng Lucena City Police.
Ang Project USAD o United Stand Against Dangerous Drugs ay isa lamang sa mga programa ng Lucena City PNP upang masawata o kundi man ay mabawasan ang ipinagbabawal na droga sa lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments