LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)- Ipinagdiwang ng lalawigan ng Batangas ang ika-435 taong pagkakatatag nito na may temang “Ala Eh Halina Dine sa B...
LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)- Ipinagdiwang ng lalawigan ng Batangas ang ika-435 taong pagkakatatag nito na may temang “Ala Eh Halina Dine sa Baraka sa Batangas” na ginanap sa Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC), Sta. Clara mula Disyembre 1 hanggang 8.
Ang “baraka” ay isang termino ng mga Batangueno na ang ibig sabihin ay pamimili.
Ayon kay Governor Hermilando Mandanas, kakaiba ang pagdiriwang na ito ng lalawigan dahilan sa pagnanais nilang muling buhayin ang napabayaang BPLC na mahigit 12 taong hindi ginamit ng mga nagdaang administrasyon ng pamahalaang panlalawigan.
“Ito ay itinayo natin noon upang pakinabangan ng mga Batangueno lalong lalo na ang mga taga-Sta. Clara sapagkat isang paraan ito upang sila ay makapaghanapbuhay dangan lamang at hindi ito naging progresibo, ngunit inaasahan ko na ito ang magiging umpisa kung saan matutulungan natin ang mga kapwa Batangueno na nagnanais magkaroon ng hanapbuhay.”, dagdag ni Mandanas.
Iba’t-ibang produkto mula sa mga lokal na pamahalaan, kooperatiba, micro-small and medium enterprises ang itinampok dito upang mas lalong makilala ang mga local na produkto sa bawat bayan.
Bukod sa agri-trade fair nagsagawa rin ang pamahalaang panlalawigan ng medical at dental mission upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga Batangueno lalo na ang mga nagmula sa mahihirap na pamilya.
Isang tiangge na presyong Divisoria din ang itinayo sa unang palapag ng BPLC kung saan nabigyan ng pagkakataong magtrabaho ang ilang mga Batangueno bilang kahera, bagger at merchandiser.
Layunin din nitong magbigay ng murang presyo ng mga mabibili at hindi na kailangang lumuwas sa Kamaynilaan upang mamili.
Nagkaroon din ng job fair na nilahukan ng pitong local na kumpanya at tatlong overseas kung saan may kabuoang bakanteng posisyon na umaabot sa mahigit 5,000. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/681481275161/baraka-sa-batangas-tampok-sa-435th-foundation-ng-batangas-province#sthash.hS1UlYRH.dpuf

No comments