Tinatayang mahigit sa 160 mga magsasakang Lucenahin ang pinagkalooban ng pamahalaang panlungsod ng mga certified palay seeds at abono kamak...
Tinatayang mahigit sa 160 mga magsasakang Lucenahin ang pinagkalooban ng pamahalaang panlungsod ng mga certified palay seeds at abono kamakailan.
Ginanap ang naturang pamamahaging ito sa City Hall Annex lobby na kung saan pinangunahan naman ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Kasama rin sa nasabing okasyon sina City Agriculturist Melissa Letargo at Grace bilang representative ni Councilor Anacleto Alcala III na siyang Chairman ng Committee on Agriculture.
Gayundin ang ilang mga kapitan na sina Nieves Maaño ng Silangang Mayao, Victor Cantos ng Mayao Parada, Rolly Ebreo ng Ibabang Talim, Rey Rosales ng Ilayang Talim, Luis Vibar ng Salinas, at Alberto Ranas ng Mayao Crossing.
Ang mga nasabing mga magsasakang pinagkalooban nito ay nagmula sa mga nabanggit na barangay na kung saan ay ipinagkaloob sa kanila ang mga binhi at abono ng libre.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, pinasalamatan nito si City Agriculturist Mellisa Letargo sa ginagawa nitong pagtulong sa sector ng magsasaka sa luyngsod.
Ang mga bibigyan ng abono ay ang mga magsasakang nakapagtanim na at ang mga bago pa lamang naman na magtatanim ay pagkakalooban ng mga certified seeds.
Tiniyak rin ni Mayor Alcala na hindi lamang mga agricultural inputs ang itutulong ng pamahalaang panlungsod, kundi ang lahat ng maaring maitulong para sa mga magsasakang Lucenahin ay kanilang gagawin.
Aniya sabihin lamang ng mga ito ang kanilang pangangailangan sa kanilang kapitan, sa presidente ng PMBL na si Melchor Jovellano at kay City Agriculturist Letargo upang mabigyan ang mga ito ng tamang tulong.
Gayundin tiniyak rin ni Mayor Dondon Alcala na patuloy niyang susuportahan at tutulungan ang sector ng agrikultura sa lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments