Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Proyektong Youth for Ifugao Rice Terraces inilunsad ng UP OU

by Dolores V. Ledesma STA. ROSA CITY, Laguna, Enero 25 (PIA) – Inilunsad ng University of the Philippines ang pinakabagong proyekto na tina...

by Dolores V. Ledesma

STA. ROSA CITY, Laguna, Enero 25 (PIA) – Inilunsad ng University of the Philippines ang pinakabagong proyekto na tinaguriang “Youth Capacity Building and Exchange Program toward Sustainable Development and Conservation of Ifugao Rice Terraces” sa kanilang tanggapan sa Los Banos, Laguna noong Enero 24.

Ang proyekto ay nakatuon sa Ifugao Rice Terraces at layunin nitong mahasa at maituro sa mga kabataan ng Ifugao ang pagkakaroon ng matagalang turismo at farming practices, lokal na seguridad sa pagkain, agricultural heritage systems at pagpreserba ng cultural heritage ng Ifugao Rice Terraces.

Magkakaroon rin ng Exchange program sa proyektong ito.

Ayon kay Ms. Anna Canas, Information Officer ng UP Open University, ang mga kabataang Ifugao ay bababa sa Laguna kapalit ng mga estudyante ng UPLB at UP OU kasama ang ilang kabataan ng Los Banos upang magkaroon ng “hands on experience” ang bawat isa.

Ang capacity building at exchange program na gagawin ay inaasahang makakapagbigay ng edukasyon at kalakasang loob sa mga kabataang Ifugao na mapangalagaan ang landscape ng Rice Terraces.

Ang naturang programa ay pinondohan ng Mitsui Co. Ltd. Environment Fund at magtatagal ng dalawang taon.

Ang paglunsad ng Youth for Ifugao Rice Terraces ay dinaluhan nina Dr. Koji Nakamura, project manager ng Ifugao Satoyama Meister Program (ISMTP); UPLB Vice Chancellor for Academic Affairs Dr. Portia G. Malapitan, mga representatives ng Ifugao State University, Kanazawa University, Munisipyo ng Hingduan, Ifugao at iba pang mga collaborators. (GG/Dolores V. Ledesma, PIA4A)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/631485328195/proyektong-youth-for-ifugao-rice-terraces-inilunsad-ng-up-ou#sthash.bmQ6J22r.dpuf

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.