Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagsasanay pangkabuhayan sa Agrikultura isinagawa ng Serbisyong Suarez

By Nimfa L. Estrellado July 15, 2017 Congw. Anna Marie V. Suarez at Gob. David “Jayjay”C. Suarez  Pagbilao, Quezon - Isang pagsas...

By Nimfa L. Estrellado
July 15, 2017


Pagsasanay pangkabuhayan sa Agrikultura isinagawa ng Serbisyong Suarez
Congw. Anna Marie V. Suarez at Gob. David “Jayjay”C. Suarez 



Pagbilao, Quezon - Isang pagsasanay sa corn husk handicraft making, T-shirt printing, marketing at bookeeping ang isinagawa noong ika-20 at ika-22 ng Hunyo 2017 sa Conference Hall, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura (OPA) sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.

Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng mga kasapi ng Quezon Young Farmers Federation (QYFF) sa pangunguna ng OPA, at bilang bahagi ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura na ang kabataan na magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng paghahanap-buhay.





Prayoridad rin na magabayan ang mga kabataan upang bigyang pagpapahalaga ang agrikultura bilang hanap-buhay at maghangad sila na maging matagumpay na agri-entrepreneur.

Tinalakay ng mga tagapagsanay ang mga paksa ukol sa silk screen printing, photographic silk screen printing, paggawa ng handicrafts mula sa balat ng mais at mga puntos ukol sa wastong pamamaraan ng pagmemerkado at pagtatala ng gastos, kinita at daloy ng pera.





Nagsilbing tagapagsanay sina Gng. Krizel B. Venezuela, G. Kirby Venezuela, G. Elmer Jamilano, miyembro ng 4H at Bb. Angel Florante, OPA Extension Staff.

Dinaluhan ng mga miyembro mula sa District 1, 2 at 4 ang unang araw ng pagsasanay at District 2 at 3 naman ang ikalawang araw. Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa pagtutulungan ng mga kawani mula sa OPA Extension Division sa pangunguna ni Gng. Anna Pamela Agudilla at sa patnubay ni G. Roberto D. Gajo, Provincial Agriculturist.

Nagpasalamat kay Governor David Suarez ang mga kabataang dumalo sa nasabing pagsasanay.

Ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanila ang mga natutunan upang makapagsimula ng maayos at marangal na mapagkakakitaan.

Tunay naman na si Governor Suarez ay nakatutok sa kanyang mg programa na ang tanging hangad ng mga pangunahing serbisyo sa lahat.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon