By Charmaine Odong March 28, 2020 LUNGSOD NG CALAMBA - Naglunsad ng mini talipapa ang pamahalaang lokal ng Barangay San Diego, San Pabl...
March 28, 2020

LUNGSOD NG CALAMBA - Naglunsad ng mini talipapa ang pamahalaang lokal ng Barangay San Diego, San Pablo City, Laguna upang masuportahan ang kanilang mga lokal na magsasaka sa kabila ng ipinatupad na Luzonwide enhanced community quarantine.
Hinihikayat ang bawat isa sa barangay na may mga pananim na gulay na maaari nilang ibenta sa inilunsad na mini talipapa ang kanilang mga ani upang maging tulong na din sa kanila bilang mga lokal na magsasaka at gayundin ay maiwasan na ang pagpunta pa sa mataong lugar gaya ng pamilihang bayan.
Ang itinayong mini talipapa ay naglalayong maiwasan ang pagdami ng tao sa pamilihang bayan at mahigpit na maisulong ang social distancing upang maiwasan ang local transmission ng coronavirus disease (COVID-19) at bilang pag-iingat na rin ng bawat isa.
Sa kasalukuyan, nakapagtayo na ang Barangay San Diego ng dalawang mini talipapa na matapagpuan sa Purok 1 at Purok 3 ng barangay.
Samantala, nananatiling COVID-Free pa rin ang lungsod ng San Pablo City at patuloy na hinihikayat ang publiko na mag-ingat at manatili lamang sa loob ng kanilang bahay upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit. (CO/PIA4A)
No comments