By Joy Gabrido April 30, 2020 Isang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus...
April 30, 2020
Isang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus disease (COVID)-19 ang patuloy na mapataas ang kapasidad sa COVID-19 testing. (Larawan mula sa Gov. Ramil Hernandez FB Page)
LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Abril 30 (PIA) – Patuloy na pinatataas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ang kapasidad ng probinsya sa pagsasagawa ng Coronavirus Disease o COVID-19 testing bilang pagpapaigting sa pagsugpo sa naturang sakit.
Sinabi ni Laguna Gov. Ramil L. Hernandez sa kanyang panayam sa Laging Handa Network Briefing ng Presidential Communications Operations Office o PCOO na pinangungunahan ni Secretary Martin Andanar na isa sa mga hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang mapababa na ang kaso ng COVID-19 sa probinsya ay ang pagpapataas nang kapasidad nito pagdating sa pagsusuri at pagkumpirma sa mga suspected na pasyente.
“Naka-focus po kami sa patuloy na pagtatayo ng mga quarantine facilities at pagpapataas po ng aming kapasidad para po sa testing.”
Sa ngayon ay nakadepende ang probinsya sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM na nakakapag-bigay ng resultang average na 210 kada araw.
Kailangan aniyang mapataas ang kapasidad pagdating sa testing kaya naman may ongoing nang pagtatayo ng sariling Testing Center sa probinsya na inaasahang matatapos sa ikalawang linggo ng Mayo 2020.
Bukod pa rito aniya ay may itinatayo na ring Testing Center sa UP Los Baños o UPLB kung saan magkakaroon ng pakikipagtulungan ang Pamahalaang Panlalawigan at sasailalim sa Memorandum of Agreement o MOA.
Inaasahan rin na ito ay matatapos sa parehong panahon, ikalawang linggo ng Mayo kaya aniya ay "mapapataas na natin ang bilang ng result per day."
Kapag natapos na ang naunang nabanggit na Testing Center ng lalawigan ay maaari nang makapag-test ng 200 hanggang 240 kada araw. Ito aniya ay sindami na nang testing allotment na ibinibigay ng RITM para sa Laguna.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
At inaasahan aniya na mauubos na ang backlogs ng probinsya sa pagsusuri kung matatapos na rin ang Testing Facility sa UPLB dahil mayroon ritong limang testing machines na may tatlong operator.
“Napakahalaga po niyan para po makabalik agad sa trabaho lalo po iyong mga frontliners na napapabilang doon sa suspected. Kasi kapag ang result po ay tumagal nang one week ibig sabihin ay one week nakahold iyong mga tao lalo ang ating mga nurses at doctors. Kailangan po talaga ideally within 48 hours may result agad para po mabilis ang pagbalik sa trabaho,” pinunto ng gobernador.
Makatutulong rin aniya ito upang hindi mapuno ang mga ospital at quarantine facility sa probinsya.
Pondo para sa mga frontliner
Ayon pa kay Gov. Hernandez, naglaan na ang Pamahalaang Panlalawigan ng pondo na nagkakahalagang 58 milyong piso para sa mga frontliners ng probinsya, kasama ang mga tinamaan ng COVID-19.
Ang halagang nabanggit ay inilaan bilang hazard pay at special risk allowance ng mga ito. Ito aniya ay umaabot sa 25 porsiyento ng kanilang basic salary.
Problema aniya na ang pondong ito ay nakalaan para sa hanggang katapusan ng buwan ng Abril lamang samantalang napalawig pa ang ECQ hanggang Mayo 15, 2020.
Powered by Google
Gayunpaman, siniguro naman ng gobernador na gagawan nila ito nang paraan.
“Sa ngayon ay patuloy ang atin pong monitoring pa para makaaksyon po agad ang Pamahalaang Panlalawigan kasama po ng mga LGUs natin sa lalawigan ng Laguna.”
Ibinalita rin niya na mayroon nang kabuuang 41 quarantine facilities sa buong lalawigan ng Laguna.
Sa huling tala alas-8 ng gabi, Abril 29, 2020, ang probinsya ay mayroon nang 282 positibong kaso ng COVID-19, 28 na pumanaw na, 943 mga suspected na kaso at 66 na pasyenteng nakarekober. (Joy Gabrido)

No comments