Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Brgy. Colong-colong, nagpasalamat sa 5 ikot ng mga ayuda at tulong

By Lolitz Estrellado May 2, 2020 (Kaliwa-Kanan) Tagkawayan Municipal Mayor at Kapitan Antonino Salamat TAGKAWAYAN, Quezon - Nagpa...

By Lolitz Estrellado
May 2, 2020



(Kaliwa-Kanan) Tagkawayan Municipal Mayor at Kapitan Antonino Salamat



TAGKAWAYAN, Quezon - Nagpaabot ng kanilang taos-puso at buong pasasalamat ang buong barangay Colong-colong sa kanilang mga masisipag na opisyal dahil sa mabilis na paghahatid sa lahat ng mga residente ng mga kinakailangang ayuda at tulong simula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at lockdown sa buong lalawigan dahil sa Corona Virus Disease 19 (COVID-19).

Ayon sa mga taga-barangay Colong-colong, kailanman ay hindi sila pinabayan ni Kapitan Antonino "Ninoy" E. Salamat, kasama ang buong Sangguniang Barangay at sa suporta nina Quezon 4th District Congresswoman Helen Tan at Tagkawayan Municipa Mayor Carlo Eleazar.

Ayon na rin sa ulat ng pamahalaang barangay sa pangunguna ni Kapitan Ninoy, nakaka-5 ikot na sila sa pagkakaloob ng relief goods sa may 222 pamilyang residente ng Colong-colong.

Ang una at pangalawang pamamahagi ng tig-9 kilo ng bigas na may kasamang sardinas, kape, asukal at payless noodles ay sa kagandahang loob ng buong sangguniang barangay.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang ika-3 ikot naman ay mula kay Kapitan Ninoy na tig-4 kilong bigas, kape, sardinas, asukal at noodles, habang ang ika-4 na ulit na pamimigay ng tig-8 kilong bigas, noodles, kape, asukal at sardinas ay mula naman kay Congw. Helen Tan.

Sa ika-5 pagkakataon, nitong nakalipas na Biyernes, Mayo 1, muling namahagi ng tig-8 kilong bigas, tig-iisang kilong karne, kape, asukal, noodles, at sardinas na galing naman kay Mayor Carlo Eleazar.

Ayon sa mga residente, hindi sila gaanong nagkaproblema dahil sa mga tulong at ayuda na tinatanggap nia mula sa kanilang mga barangay officials, kay Mayor Eleazar at Congw. Tan na mabubuting lider at lingkod ng bayan magagaling na ay matitino pa, kaya todo at pagtitiwala sa mga ito.

Namigay din ng tulong sila Vice Mayor Danny Liwanag at Konsehal Victoriano 'Vicoy' Salamat sa mga frontliners.

Ayon sa Tagawayan Teleradyo sa Brgy. Aliji nasa 345 na pamilya ang binigyan ng ng 10 kilo ng bigas at Karneng baboy mula sa Relief Food Packs Operation ng Pamahaalang Bayan sa Pangunguna nina Mayor Carlo Eleazar, Vice-Mayor Danny Liwanag at Sangguniang Bayan. Tulong-tulong ang mga Opisyal ng Barangay para ihanda ang nasabing ayuda sa mga Mamamayan sa gitna ng umiiral na Extreme Enhanced Community Quarantine.




Tig-8 kilong bigas, tig-iisang kilong karne, kape, asukal, noodles, at sardinas na galing naman kay Mayor Carlo Eleazar.



Si Konsehal Victoriano 'Vicoy' Salamat habang namimigay ng ayuda sa mga residente ng Brgy. Colong-colong.

Powered by Google



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.