Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Reina area, binisita ni Governor Danilo Suarez matapos ang bagyong ambo kasabay ng pamamahagi ng ayuda

By Quezon - PIO May 23, 2020 REAL, Quezon - Binisita ng pwersa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez kai...

By Quezon - PIO
May 23, 2020


REAL, Quezon - Binisita ng pwersa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez kaisa sina Bokal Claro Talaga, Bokal Alona Obispo at KALIPI Quezon President Atty. Joanna Suarez ang mga kababayan natin sa bahagi ng Real, Infanta at General Nakar na naapektuhan ng bagyong Ambo kasabay pa ang krisis na nararanasan ng mga mamamayan dito dahil sa COVID-19.

Kung kaya unang nagtungo ang grupo nina Governor Suarez sa bayan ng Real at personal na tinanggap ni Mayor Bing Aquino ang food relief packs, PPE, alcohol at pang-disinfect para sa kanyang mga nasasakupan.





Sunod namang pinuntahan ay ang Infanta kung saan ay ipinagkaloob ang tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan para sa mga healthcare workers na silang may malaking sakripisyo ngayong panahon ng pandemya at ibinagay naman sa Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pamumuno ni Mayor Filipina Grace America ang ayudang food relief packs, PPE, Alcohol, facemask, disinfectant at mga binhing pananim para sa tanggapan ng Municipal Agriculture.

Gayon pa man bago matapos ang araw ay tumulak naman si Governor Danilo E. Suarez kasama pa rin sina Bokal Talaga, Bokal Obispo at Atty. Joanna Suarez ang Pangulo ng KALIPI Quezon upang ihandog ang tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan gaya ng food relief packs, PPE, facemask, alcohol, disinfectant at mga binhing pananim na maari namang maitanim sa mga bakuran ng mga tahanan ng mga taga bayan ng General Nakar.

Habang ibinida naman ni Atty. Suarez ang magandang epekto ng virgin coconut oil sa paglaban sa sakit na COVID-19 na dahilan ng pagsailalim ng maraming lugar sa Community Quarantine.

Samantala, ipinadala naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang tulong para sa mga mamamayan at frontiners sa mga Island Municipality ng Polillo, Burdeos, Panukulan, Patnanungan at Jomalig.

Sa ngayon ay wala namang tigil ang Ama ng ating Lalawigan Governor Suarez kaisa ang Sangguniang Panlalawigan sa mga programa, proyekto at h akbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat Quezonian ngayong nakararanas ang lahat ng krisis dulot ng banta ng COVID-19.

No comments

Latest Articles

OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines

TELEPHONE: 042-717-6108

CELL: 0927-938-5896

E-MAIL: contact@sentineltimes.net/
sentineltimes@yahoo.com

WEBSITE: https://www.sentineltimes.net/

SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon